History of Rage

From wailing and flailing
to crying, stomping, and pouting
to biting my brother’s shoulder
to biting my own skin.

Then came my discovery of knives in words:
the delivery of slashes in clumsy sentences
without fully understanding what each word meant,
with full understanding
that each meant to cause hurt
to draw blood and provoke tears.

Eventually, I had to destroy
something
anything:
there were days when my body explodes
combusts
with rage
in rage.

Most of the time, the only thing left to destroy
was myself.

Time taught me that anger
can be refined. I learned
that the body sways, follows
the flowing rage—
arms akimbo
shoulders tensed
head held high
lips closed tightly.
But my tongue rolls, masterfully weaving
words, sharpened with restraint.
My throat trembles, thrilled
for the impending outburst.

I shiver from my own cruelty.

Magulang 1

I

Bumagsak na naman ang iyong katawan.
Napaluhod ka sa pintuan, nakayuko at nakapikit.
Inakay ka ni mama sa upuan. Alam na namin ang gagawin:
ilabas ang blood glucose monitoring device
pulse oximeter
insulin
at syringe. Mag-abang
para sa iba pang kakailanganin:
electric fan
basang tuwalya
tubig
at dalangin.

II

pinanonood ko ang iyong dibdib
taas
baba
taas
baba
‘di alintanang
nabibitin ang sariling paghinga
nang
nagsagpong ang kasalukuyan at ang nakaraan:

musmos akong nagbabantay sa
taas
baba
taas
baba
ng iyong dibdib
habang ika’y umiidlip

sa aking batang pag-iisip
nanahan ang pangamba
na kung hindi maingat at malilingat
hininga mo’y lilisan
at nagsagpong ang kasalukuyan at hinaharap:

dalaga akong nagbabantay sa
taas
baba
taas
baba
ng iyong dibdib
habang ika’y nagpapahinga

dumadalas ang pagdalaw
ng pangamba
na kung hindi maingat at malilingat
hininga mo’y lilisan
at muli
magsasagpong ang kasalukuyan at ang nakaraan

Something Old Sunday

Hindi totoong hindi ako nakakapagsulat nitong huling limang taon. Nakakalat lang ang pinaglalagakan ng mga akda na ako mismo, nagtataka sa dami–sa diary, likod ng resibo, gilid ng papeles, note sa smartphone, post sa ibang sites (dito, dito, dito, at dito). Kaya ngayon, kada linggo magtatangka akong ipunin sila rito sa She Loves Wednesdays.

Para ngayong Something Old Sunday, narito ang isang tulang isinulat para sa National Poetry Writing Month noong April 3, 2014.

Marahil Ganito Kita Mamahalin–

tulad ng araw

walang mintis sa pagsikat
tapat na tagagising ng mundo

minsan
makulimlim ang pagsalubong

minsan
marahas at nakapapaso

gayunpaman
kahit sa mga bukang-liwayway
na inaapuhap
ng pumupungas na mundo
ang gabi

nariyan ang araw
sisikat
sisikat
patuloy na sisikat
walang mintis
nag-aabang

sa iyo

 

*Mula ito sa  writing prompt na ibinigay sa event ng Praxis (Notewordy Part Dos) sa DITO: Bahay ng Sining. Ang prompt, kumpletuhin ang mga pahayag na “I love you as/like…” o “This is how I love you…” At tada, nabuo ang konsepto para sa tulang ito, na sa katunayan alangan akong gawing tula dahil nagsimula ito bilang prosa at wala pa akong kumpiyansa na mapaninindigan ko ang paglalagay ng line cuts/paghahati ng mga linya. Pero heto’t sinubok ko pa rin. At oo, marahil ganito ako magmamahal.